Kasunduan sa User ng Reddit

Kasunduan sa User ng Reddit

Ipapatupad sa Hunyo 28, 2025. Huling Binago noong Mayo 29, 2025

Nag-update kami ng aming Kasunduan sa User. Pakibasa bago ipatupad ang mga pagbabago sa Hunyo 28, 2025. 

Ang page na ito ang na-update na Kasunduan sa User; para sa bersyong may bisa hanggang Hunyo 28, 2025, mag-click dito. 

 

Pinapagana ng Reddit ang daan-daang libong natatanging online na community. Ginagawa iyong posible ng Kasunduan sa User na ito at ng iyong pag-uugali.

  • Kung nakatira ka sa United States o sa labas ng European Economic Area (“EEA”), United Kingdom, at Switzerland, narito ang iyong mga tuntunin.

  • Kung nakatira ka sa EEA, United Kingdom, o Switzerland, narito ang iyong mga tuntunin.


 

Kasunduan sa User ng Reddit kung nakatira ka sa United States o sa labas ng EEA, United Kingdom, at Switzerland

Kumusta, mga redditor at tao sa Internet! Nalalapat ang Kasunduan sa User ng Reddit na ito (“Mga Tuntunin”) sa iyong access sa at paggamit ng mga website, mobile app, widget, API, email, at iba pang online na produkto at serbisyo (sama-sama, ang “Mga Serbisyo”) na ibinibigay ng Reddit, Inc. (“Reddit,” “kami,” “namin,” o “amin”).

Tandaan na ang Reddit ay para sa kasiyahan at nilalayon itong maging lugar para sa entertainment mo, pero kailangan pa rin natin ng ilang pangunahing panuntunan. Sa pamamagitan ng pag-access o paggamit ng aming mga Serbisyo, sumasang-ayon kang mapailalim sa Mga Tuntuning ito. Kung hindi ka sumasang-ayon sa Mga Tuntuning ito, hindi mo maaaring i-access o gamitin ang aming mga Serbisyo.

1. Ang Iyong Access sa mga Serbisyo

Hindi pinapayagan ang sinumang wala pang 13 taong gulang na gumamit o mag-access sa mga Serbisyo. May mga bahagi sa aming mga Serbisyo na nagre-require na mas matanda ka dapat para magamit mo ang mga ito. Halimbawa, dapat ay hindi ka bababa sa 18 taong gulang para matingnan mo ang pang-mature na content sa Reddit. Pakibasa nang mabuti ang lahat ng abiso at anumang Karagdagang Tuntunin kapag ina-access mo ang mga Serbisyo.

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga Serbisyo, ipinapahayag mo na:

  • Ikaw ay 13 taong gulang pataas at lampas ka sa minimum na edad na nire-require ng mga batas ng bansa kung saan ka nakatira para ma-access at magamit ang mga Serbisyo;

  • Maaari kang bumuo ng isang may-bisang kontrata sa Reddit, o, kung ikaw ay lampas 13 taong gulang pero wala ka pa sa edad ng mayorya sa iyong hurisdiksyon, na nasuri ng iyong legal na tagapag-alaga at sumasang-ayon siya sa Mga Tuntuning ito;

  • Hindi ka pinagbabawalan sa paggamit ng mga Serbisyo sa ilalim ng lahat ng naaangkop na batas; at

  • Hindi ka permanenteng nasuspinde o naalis sa mga Serbisyo.

Kung tinatanggap mo ang Mga Tuntuning ito sa ngalan ng isa pang legal na entity, kabilang ang isang negosyo o entity ng pamahalaan, ipinapahayag mo na mayroon kang ganap na legal na awtoridad para ipailalim ang naturang entity sa Mga Tuntuning ito.

2. Privacy

Ipinapaliwanag sa Patakaran sa Privacy ng Reddit kung paano at bakit namin kinokolekta, ginagamit, at ibinabahagi ang impormasyon tungkol sa iyo kapag ina-access o ginagamit mo ang aming mga Serbisyo. Nauunawaan mo na sa pamamagitan ng paggamit mo ng mga Serbisyo, pumapayag ka sa pagkolekta at paggamit ng impormasyong ito gaya ng nakasaad sa Patakaran sa Privacy.

3. Ang Paggamit Mo ng mga Serbisyo

Alinsunod sa kumpleto at patuloy mong pagsunod sa Mga Tuntuning ito, binibigyan ka ng Reddit ng personal, hindi naililipat, hindi eksklusibo, nababawi, limitadong lisensya para: (a) mag-install at gumamit ng kopya ng aming mobile application na nauugnay sa mga Serbisyong nakukuha mula sa isang lehitimong marketplace sa isang mobile device na pagmamay-ari o kinokontrol mo; at (b) i-access at gamitin ang mga Serbisyo. Nakalaan sa amin ang lahat ng karapatang hindi hayagang ibinibigay sa iyo ng Mga Tuntuning ito.

Maliban sa at kung sa sukdulang hindi mapapahintulutan ang naturang paghihigpit sa ilalim ng naaangkop na batas, hindi ka maaaring, kung walang nakasulat na pagsang-ayon namin:

  • maglisensya, magbenta, maglipat, magtalaga, magpamahagi, mag-host, o manamantala sa komersyal na paraan ng mga Serbisyo o Content;

  • magbago, maghanda ng mga gawang hango sa, magkalas, mag-decompile, o mag-reverse engineer ng anumang bahagi ng mga Serbisyo o Content; o

  • mag-access ng mga Serbisyo o Content para bumuo ng katulad o kakumpitensyang website, produkto, o serbisyo, maliban kung pinahihintulutan sa ilalim ng anumang Karagdagang Tuntunin (gaya ng tinutukoy sa ibaba).

Palagi naming pinapaganda ang aming mga Serbisyo. Ibig sabihin, maaari kaming magdagdag o mag-alis ng mga feature, produkto, o functionality; sisikapin naming maabisuhan ka nang maaga, pero hindi iyon palaging posible. Nakalaan sa amin ang karapatang baguhin, suspindihin, o ihinto ang mga Serbisyo (sa kabuuan o bahagi nito) anumang oras, nang may abiso o walang abiso sa iyo. Ang anumang release, update, o iba pang pagdaragdag sa functionality ng mga Serbisyo sa hinaharap ay mapapailalim sa Mga Tuntuning ito, na maaaring pana-panahong ma-update. Sumasang-ayon ka na hindi kami mananagot sa iyo o sa anumang third party para sa anumang pagbabago, pagsususpinde, o paghinto ng mga Serbisyo o anumang bahagi nito.

Pine-personalize namin ang karanasan mo sa mga Serbisyo batay sa iba't ibang salik, kabilang ang iyong activity sa mga Serbisyo, mga community kung saan ka naka-subscribe, at mga preference na natukoy mo sa mga setting mo. Batay sa mga ito at iba pang salik, maaaring magbigay kami ng mga rekomendasyon para gawing mas makabuluhan ang karanasan mo sa Reddit. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga inirerekomendang content sa iyo, pati na ang isang paglalarawan ng kung paano mo makokontrol ang ilang partikular na opsyon sa pag-personalize, tumingin sa aming Help Center.

4. Ang Iyong Reddit Account at Seguridad ng Account

Para magamit ang ilang partikular na feature ng aming mga Serbisyo, maaaring i-require sa iyong gumawa ng Reddit account (isang “Account”) at ibigay sa amin ang username, password, at ilang iba pang impormasyon tungkol sa sarili mo gaya ng nakasaad sa Patakaran sa Privacy.

Ikaw ang tanging responsable para sa impormasyong nauugnay sa iyong Account at anumang pangyayaring kaugnay ng iyong Account. Dapat mong panatilihin ang seguridad ng iyong Account at kaagad na abisuhan ang Reddit kung matuklasan mo o maghinala ka na may nag-access sa iyong Account nang walang pahintulot mo. Inirerekomenda namin na gumamit ka ng malakas na password na ginagamit lang sa iyong Account at i-enable mo ang two-factor authentication. Kung idaragdag mo ang numero ng telepono mo sa iyong Account at sa ibang pagkakataon ay babaguhin o ide-deactivate mo ang numero ng telepono mo, tiyaking ia-update ang impormasyon ng iyong Account.

Hindi mo lilisensyahan, ibebenta, o ililipat ang iyong Account nang wala ang aming paunang nakasulat na pag-apruba.

5. Ang Iyong Content

Maaaring maglaman ang mga Serbisyo ng impormasyon, text, mga link, mga graphic, mga larawan, mga video, audio, mga stream, software, mga tool, o iba pang materyal (“Content”), kabilang ang Content na ginawa mo gamit ang o isinumite mo sa mga Serbisyo o sa pamamagitan ng iyong Account (“Iyong Content”). Wala kaming responsibilidad para sa at hindi namin hayagan o hindi tahasang ineendorso, sinusuportahan, o ginagarantiyahan ang pagiging kumpleto, katotohanan, katumpakan, o pagiging maaasahan ng alinman sa Iyong Content.

Sa pamamagitan ng pagsusumite ng Iyong Content sa mga Serbisyo, ipinapahayag at ginagarantiyahan mo na mayroon ka ng lahat ng karapatan, kapangyarihan, at awtoridad na kinakailangan para ibigay ang mga karapatan sa Iyong Content na nakapaloob sa Mga Tuntuning ito. Dahil ikaw lang ang responsable para sa Iyong Content, maaaring ikaw ang magkaroon ng pananagutan kung magpo-post o magbabahagi ka ng Content nang wala ang lahat ng kinakailangang karapatan.

Pinapanatili mo ang anumang karapatan sa pagmamay-ari na mayroon ka sa Iyong Content, pero binibigyan mo ang Reddit ng sumusunod na lisensya para gamitin ang Content na iyon:

Kapag ang Iyong Content ay ginawa gamit ang o isinumite sa mga Serbisyo, binibigyan mo kami ng pandaigdigan, walang royalty, panghabambuhay, hindi nababawi, hindi eksklusibo, naililipat, at sublicensable na lisensya para gamitin, kopyahin, baguhin, iakma, paghanguan ng gawa ipamahagi, i-store, isagawa, at ipakita ang Iyong Content at anumang pangalan, username, boses, o pagkakatulad na ibinigay kaugnay ng Iyong Content sa lahat ng format ng media at channel na kilala na ngayon o bubuuin sa hinaharap saanman sa mundo. Kabilang sa lisensyang ito ang karapatan na gawin naming available ang Iyong Content para sa syndication, pag-broadcast, pamamahagi, o publikasyon ng iba pang kumpanya, organisasyon, o indibidwal na nakikipagsosyo sa Reddit. Halimbawa, kabilang sa lisensyang ito ang karapatang gamitin ang Iyong Content para magsanay ng mga AI at machine learning model, gaya ng higit pang inilalarawan sa aming Patakaran sa Pampublikong Content. Sumasang-ayon ka rin na maaari naming alisin ang metadata na nauugnay sa Iyong Content, at isinusuko mo nang hindi na mababawi ang anumang paghahabol at paggigiit ng mga karapatang moral o atribusyon kaugnay ng Iyong Content.

Ang anumang ideya, mungkahi, at feedback tungkol sa Reddit o sa aming mga Serbisyo na ibinibigay mo sa amin ay ganap na boluntaryo, at sumasang-ayon ka na maaaring gamitin ng Reddit ang mga naturang ideya, mungkahi, at feedback nang walang kabayaran o obligasyon sa iyo.

Bagama't wala kaming obligasyong i-screen, i-edit, o bantayan ang Iyong Content, sa aming sariling pagpapasya, maaari naming i-delete, ituring na hindi kwalipikado ang iyong content para sa monetization, o alisin ang Iyong Content, sa anumang oras at para sa anumang dahilan, kabilang ang dahil sa paglabag sa Mga Tuntuning ito, sa aming Mga Panuntunan ng Reddit, o sa aming iba pang tuntunin at patakaran, o kung magdudulot ka o malamang na magdulot ka ng pananagutan para sa amin.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pamamaraan ng Reddit sa pag-moderate ng content, kabilang ang kung paano namin ipinapatupad ang aming Mga Panuntunan ng Reddit at kung paano iaapela ang mga desisyon sa pag-moderate ng content, bumsita sa aming Help Center.

6. Mga Third-Party na Content, Advertisement, at Promosyon

Maaaring maglaman ang mga Serbisyo ng mga link sa mga third-party na website, produkto, o serbisyo, na maaaring i-post ng mga advertiser, mga affiliate namin, mga partner namin, o iba pang user (“Third-Party na Content”). Hindi namin kontrolado ang Third-Party na Content, at wala kaming responsibilidad sa mga website, produkto, o serbisyo ng anumang third party. Ikaw ang responsable sa paggamit mo ng Third-Party na Content at dapat kang magsagawa ng anumang pagsisiyasat na sa tingin mo ay kinakailangan bago ka magpatuloy sa anumang transaksyon na nauugnay sa naturang Third-Party na Content.

Maaari ding maglaman ang mga Serbisyo ng mga may sponsor na Third-Party na Content o advertisement. Maaaring magbago ang uri, antas, at pag-target ng mga advertisement, at kinikilala mo at sumasang-ayon ka na maaari kaming maglagay ng mga advertisement na nauugnay sa pagpapakita ng anumang Content o impormasyon sa mga Serbisyo, kabilang ang Iyong Content.

Kung pipiliin mong gamitin ang mga Serbisyo para magsagawa ng promosyon, kabilang ang isang contest o sweepstakes (“Promosyon”), ikaw lang ang responsable para sa pagsasagawa ng Promosyon na sumusunod sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon, kabilang ang paggawa ng mga opisyal na panuntunan, mga tuntunin sa alok, mga requirement sa pagiging kwalipikado, at pagsunod sa mga naaangkop na batas, panuntunan, at regulasyon na namamahala sa Promosyon (gaya ng mga lisensya, registration, bono, at pag-apruba ng regulasyon). Dapat ipahayag sa Promosyon mo na ang Promosyon ay hindi ini-sponsor ng, ineendorso ng, o nauugnay sa Reddit, at dapat i-require sa mga panuntunan para sa Promosyon mo sa bawat kasali o kalahok na hindi papanagutin ang Reddit para sa anumang bagay na nauugnay sa Promosyon. Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na hindi ka namin tutulungan sa anumang paraan sa Promosyon mo, at sumasang-ayon ka na ikaw ang responsable sa pagsasagawa ng Promosyon mo.

7. Mga Hindi Mo Puwedeng Gawin

Kapag ginagamit o ina-access ang mga Serbisyo, dapat kang sumunod sa Mga Tuntuning ito at sa lahat ng naaangkop na batas, panuntunan, at regulasyon. Pakisuri ang Mga Panuntunan ng Reddit, na isinasama sa pamamagitan ng pagbanggit na ito sa, at ginagawang bahagi ng, Mga Tuntuning ito at naglalaman ng aming mga panuntunan tungkol sa ipinagbabawal na content at pag-uugali. Bilang karagdagan sa kung ano ang ipinagbabawal sa Mga Panuntunan ng Reddit, hindi mo maaaring gawin ang alinman sa mga sumusunod:

  • Gamitin ang mga Serbisyo sa anumang paraan na maaaring makaabala, maka-disable, makaantala, magpahirap, o makaapekto sa anupamang paraan sa mga Serbisyo;

  • Magkaroon ng access sa (o subukang makakuha ng access sa) Account ng ibang user o anumang hindi pampublikong bahagi ng mga Serbisyo, kabilang ang mga computer system o network na nauugnay sa o ginagamit kasama ng mga Serbisyo;

  • Mag-upload, mag-transmit, o magpamahagi sa o sa pamamagitan ng mga Serbisyo ng anumang virus, worm, nakakapinsalang code, o iba pang software na may layuning makagulo sa mga Serbisyo, kabilang ang mga feature nitong nauugnay sa seguridad;

  • Gamitin ang mga Serbisyo para lumabag sa naaangkop na batas o lumabag sa mga karapatan sa intellectual property ng sinumang tao o entity o anupamang karapatan sa pagmamay-ari;

  • Mag-access, maghanap, o mangolekta ng data mula sa mga Serbisyo sa anumang paraan (awtomatiko o hindi) maliban kung pinapahintulutan sa Mga Tuntuning ito o sa isang hiwalay na kasunduan sa Reddit (nagbibigay kami ng pahintulot na i-crawl ang mga Serbisyo subalit may kundisyon alinsunod sa mga parameter na nakasaad sa aming robots.txt file, pero ipinagbabawal ang pag-scrape sa mga Serbisyo nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Reddit); o

  • Gamitin ang Mga Serbisyo sa anumang paraan na makatwiran naming pinapaniwalaan na isang pang-aabuso o panloloko sa Reddit o anumang sistema ng pagbabayad.

Hinihikayat ka naming i-report ang content o pag-uugaling sa tingin mo ay lumalabag sa Mga Tuntuning ito o sa aming Mga Panuntunan ng Reddit. Sinusuportahan din namin ang responsableng pag-report ng mga kahinaan sa seguridad. Para mag-report ng isyu sa seguridad, mag-email sa [email protected].

8. Mga Moderator

Ang pag-moderate ng subreddit ay isang hindi opisyal, boluntaryong posisyon na maaaring available sa mga user ng mga Serbisyo. Hindi kami ang responsable para sa mga aksyon na ginagawa ng mga moderator. Nakalaan sa amin ang karapatang bawiin o limitahan ang kakayahan ng isang user na mag-moderate anumang oras at para sa anumang dahilan o nang walang dahilan, kabilang ang dahil sa paglabag sa Mga Tuntuning ito.

Kung pipiliin mong mag-moderate ng subreddit:

  • Sumasang-ayon kang sundin ang Code of Conduct ng Moderator;

  • Sumasang-ayon ka na kapag nakatanggap ka ng mga report na nauugnay sa isang subreddit na mino-moderate mo, magsasagawa ka ng naaangkop na aksyon, na maaaring kabilangan ng pag-aalis ng content na lumalabag sa patakaran at/o agarang pag-escalate nito sa Reddit para sa pagsusuri;

  • Hindi mo ipapahayag, at hindi mo maaaring ipahayag na ikaw ay, awtorisadong kumilos sa ngalan ng Reddit;

  • Hindi ka maaaring pumasok sa anumang kasunduan sa isang third party sa ngalan ng Reddit, o sinumang subreddit na mino-moderate mo, nang wala ang aming nakasulat na pag-apruba;

  • Hindi ka maaaring magsagawa ng mga aksyon sa pag-moderate kapalit ng anumang anyo ng kabayaran, konsiderasyon, regalo, o pabor mula sa mga third party;

  • Kung may access ka sa hindi pampublikong impormasyon bilang resulta ng pag-moderate ng subreddit, gagamitin mo lang ang naturang impormasyon kaugnay ng pagganap mo bilang moderator; at

  • Maaari kang gumawa at magpatupad ng mga panuntunan para sa mga subreddit na mino-moderate mo, sa kundisyon na ang mga naturang panuntunan ay hindi sumasalungat sa Mga Tuntuning ito, sa Mga Panuntunan ng Reddit, o sa Code of Conduct ng Moderator.

Nakalaan sa Reddit ang karapatan, pero wala itong obligasyon, na bawiin ang anumang aksyon o desisyon ng isang moderator kung naniniwala ang Reddit, sa sarili nitong pagpapasya, na ang naturang aksyon o desisyon ay hindi para sa interes ng Reddit o ng community ng Reddit.

9. Copyright, Trademark, ang DMCA, at mga Takedown

Iginagalang ng Reddit ang intellectual property ng iba at nire-require namin na gawin din ito ng mga user ng aming mga Serbisyo. Mayroon kaming patakaran na kinabibilangan ng pag-aalis ng anumang lumalabag na materyal sa mga Serbisyo at para sa pagwawakas, sa mga naaangkop na sitwasyon, sa mga user ng aming mga Serbisyo na paulit-ulit na lumalabag. Kung naniniwala ka na may anumang bagay sa aming mga Serbisyo na lumalabag sa isang copyright o trademark na pagmamay-ari o kinokontrol mo, maaari mong abisuhan ang Itinalagang Ahente ng Reddit sa pamamagitan ng pagsagot sa aming Form ng Report sa Copyright o Form ng Report sa Trademark, o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa:

Copyright Agent
Reddit, Inc.
303 2nd Street, Suite 500S
San Francisco, CA 94107
[email protected]


Tingnan ang 17 U.S.C. § 512(c)(3) para sa mga requirement ng wastong pag-abiso. Gayundin, pakitandaan na kung sadya mong ipapahayag na lumalabag ang anumang activity o materyal sa aming mga Serbisyo kahit na hindi ito totoo, posibleng managot ka sa Reddit para sa ilang partikular na gastos at danyos.

Kung aalisin namin ang Iyong Content bilang tugon sa isang abiso sa copyright o trademark, aabisuhan ka namin. Kung naniniwala kang hindi tamang inalis ang Iyong Content dahil sa isang pagkakamali o maling pagkakakilanlan sa isang abiso sa copyright, maaari kang magpadala ng counter notification sa pamamagitan ng aming Form ng Counter Notice ng Copyright o sa aming Copyright Agent (ibinibigay sa itaas ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan). Pakitingnan ang 17 U.S.C. § 512(g)(3) para sa mga requirement ng wastong counter notification.

10. Mga May Bayad na Serbisyo

Walang bayad para sa paggamit ng maraming aspekto ng mga Serbisyo. Gayunpaman, maaaring mabili ang ilang serbisyo, feature, at produkto (“Mga May Bayad na Serbisyo”). Dagdag pa sa Mga Tuntuning ito, nalalapat din ang Mga Tuntunin sa Econ ng Reddit sa mga May Bayad na Serbisyo. Sa pamamagitan ng pagbili o paggamit ng mga May Bayad na Serbisyo, sumasang-ayon ka rin sa Mga Tuntunin sa Econ at, kung naaangkop, sa Mga Tuntunin sa mga Preview.

11. Intellectual Property

Ang mga Serbisyo ay pagmamay-ari at pinapatakbo ng Reddit. Ang mga visual na interface, graphics, disenyo, compilation, impormasyon, data, computer code, mga produkto, mga serbisyo, mga trademark, at lahat ng iba pang elemento ng mga Serbisyo (“Mga Materyal”) na ibinibigay ng Reddit ay pinoprotektahan ng intellectual property at iba pang batas. Pagmamay-ari ng Reddit o mga third-party na licensor nito ang lahat ng Materyal na kabilang sa mga Serbisyo. Kinikilala mo at sumasang-ayon kang hindi ka kukuha ng anumang karapatan sa pagmamay-ari sa pamamagitan ng pag-download ng mga Materyal o pagbili ng mga May Bayad na Serbisyo. Maliban kung hayagang pinahihintulutan ng Reddit, at napapailalim sa Mga Alituntunin sa Brand ng Reddit, hindi mo maaaring gamitin ang mga Materyal. Nakalaan sa Reddit ang lahat ng karapatan sa mga Materyal na hindi hayagang nakasaad sa Mga Tuntuning ito.

12. Pagbabayad ng Danyos

Maliban kung ipinagbabawal ng batas, sumasang-ayon kang ipagtanggol, bayaran ng danyos, at hindi papanagutin ang Reddit, mga affiliate nito, at mga kaukulan nilang direktor, opisyal, empleyado, affiliate, ahente, kontratista, third-party na service provider, at licensor (ang “Mga Entity ng Reddit”) mula sa at laban sa anumang paghahabol o demanda na ginawa ng anumang third party, at anumang nauugnay na pananagutan, pinsala, pagkalugi, at gastusin (kabilang ang mga gastos at bayad sa mga abugado) dahil sa, na nagmumula sa, o nauugnay sa: (a) paggamit mo ng mga Serbisyo; (b) paglabag mo sa Mga Tuntuning ito; (c) paglabag mo sa mga naaangkop na batas o regulasyon; o (d) Iyong Content. Nakalaan sa amin ang karapatang kontrolin ang pagtatanggol sa anumang usapin kung saan nire-require sa iyong pagbayarin kami ng danyos, at sumasang-ayon kang makipagtulungan sa aming pagtatanggol sa mga paghahabol na ito.

13. Mga Disclaimer at Limitasyon sa Pananagutan

Walang kahit ano sa Mga Tuntuning ito ang makakaapekto sa mga naaayon sa batas na karapatan na maaaring mayroon ka bilang user ng mga Serbisyo. Hindi pinapayagan ng ilang bansa, estado, lalawigan, o iba pang hurisdiksyon ang pagbubukod ng ilang partikular na warranty o ang limitasyon sa pananagutan na gaya ng nakasaad sa seksyong ito, kaya maaaring hindi ganap na nalalapat sa iyo ang mga tuntunin sa ibaba. Sa halip, sa mga naturang hurisdiksyon, ang mga pagbubukod at limitasyon sa ibaba ay nalalapat lang sa sukdulang pinapahintulutan ng mga batas ng mga naturang hurisdiksyon.

ANG MGA SERBISYO AY IBINIBIGAY “NANG WALANG BINABAGO” AT “KUNG ANO ANG AVAILABLE” NANG WALANG REPRESENTASYON, WARRANTY, O ANUMANG URI NG KUNDISYON, IPINAHAYAG MAN, IPINAHIWATIG, LEGAL, O AYON SA BATAS, KABILANG ANG MGA IPINAPAHIWATIG NA WARRANTY NG KAKAYAHANG MAIKALAKAL, TITULO, KAAKMAAN PARA SA PARTIKULAR NA LAYUNIN, AT HINDI PAGLABAG. HINDI GINAGARANTIYAHAN NG MGA ENTITY NG REDDIT NA TUMPAK, KUMPLETO, MAAASAHAN, PANGKASALUKUYAN, O WALANG PAGKAKAMALI ANG MGA SERBISYO. HINDI KINOKONTROL, INEENDORSO, O RESPONSIBILIDAD NG REDDIT ANG ANUMANG CONTENT NA AVAILABLE O NAUUGNAY SA MGA SERBISYO O SA MGA PAGKILOS NG ANUMANG THIRD PARTY O SINUMANG USER, KABILANG ANG MGA MODERATOR. BAGAMA'T SINISIKAP NG REDDIT NA GAWING LIGTAS ANG PAG-ACCESS AT PAGGAMIT MO NG AMING MGA SERBISYO, HINDI NAMIN IPINAPAHAYAG O GINAGARANTIYAHAN NA WALANG VIRUS O IBA PANG MAPAMINSALANG COMPONENT ANG AMING MGA SERBISYO O SERVER.

HINDI KAILANMAN MANANAGOT ANG ALINMAN SA MGA ENTITY NG REDDIT SA IYO PARA SA ANUMANG HINDI DIREKTA, KINAHINATNAN, HUWARAN, NAGKATAON, ESPESYAL, O PAMPARUSANG PINSALA, O MGA NAWALANG KITA NA MULA O NAUUGNAY SA MGA TUNTUNING ITO O SA MGA SERBISYO, KABILANG ANG MGA NAGMUMULA O NAUUGNAY SA CONTENT NA GINAGAWANG AVAILABLE SA MGA SERBISYO NA SINASABING MAPANIRANG-PURI, MAPANAKIT, O ILEGAL. SARILI MONG PAGPAPASYA AT IKAW ANG MAY RESPONSIBILIDAD SA PAG-ACCESS SA, AT PAGGAMIT NG, MGA SERBISYO, AT IKAW LANG ANG MAGIGING RESPONSABLE PARA SA ANUMANG PINSALA SA IYONG DEVICE O COMPUTER SYSTEM, O SA MAGRERESULTANG PAGKAWALA NG DATA. HINDI KAILANMAN AABOT ANG PINAGSAMA-SAMANG PANANAGUTAN NG MGA ENTITY NG REDDIT NANG LAMPAS SA ISANG DAANG U.S. DOLLAR ($100) O ANUMANG HALAGA NA IBINAYAD MO SA REDDIT SA NAKARAANG ANIM NA BUWAN PARA SA MGA SERBISYO NA NAGRERESULTA SA PAGHAHABOL. MALALAPAT ANG MGA LIMITASYON NG SEKSYON NA ITO SA ANUMANG TEORYA NG PANANAGUTAN, KABILANG ANG MGA BATAY SA WARRANTY, KONTRATA, BATAS, BATAS SA KAPABAYAAN, KAPABAYAAN, MAHIGPIT NA PANANAGUTAN, O IBA PA, KAHIT NA PINAYUHAN ANG MGA ENTITY NG REDDIT TUNGKOL SA POSIBILIDAD NG ANUMANG NATURANG PINSALA, AT KAHIT NA MAPAG-ALAMANG HINDI NAGRESULTA ANG ANUMANG REMEDYO NA NAKASAAD SA MGA TUNTUNING ITO SA MAHALAGANG LAYUNIN NITO.

14. Namamahalang Batas at Lugar

Gusto naming ma-enjoy mo ang Reddit, kaya kung makakaranas ka ng isyu o di-pagkakasundo, sumasang-ayon kang ipapaalam ito at suubuka mong lutasin ito kasama namin sa hindi pormal na paraan. Puwede kang makipag-ugnayan sa amin para sa feedback at alalahanin dito.

Sa sukdulang pinapahintulutan ng naaangkop na batas, ang anumang paghahabol mo na magmumula o nauugnay sa Mga Tuntuning ito o sa mga Serbisyo ay papamahalaan ng mga batas ng Estado ng California, nang walang pagsasaalang-alang sa mga panuntunan nito sa salungatan ng mga batas; ang lahat ng di-pagkakasundo na nauugnay sa Mga Tuntuning ito o sa mga Serbisyo ay dadalhin lang sa mga hukumang pederal o pang-estado na matatagpuan sa San Francisco, California, at ikaw at ang Reddit ay pumapayag sa personal na hurisdiksyon sa mga hukumang ito.

Kung isa kang entity ng pamahalaang lungsod, county, o estado ng U.S., hindi nalalapat sa iyo ang Seksyon 14 na ito. Kung isa kang entity ng pederal na pamahalaan ng U.S., ang anumang paghahabol na magmumula o nauugnay sa Mga Tuntuning ito o sa mga Serbisyo ay papamahalaan ng mga batas ng United States of America nang walang pagsasaalang-alang sa mga panuntunan nito sa salungatan ng mga batas. Sa sukdulang pinahihintulutan ng pederal na batas, malalapat ang mga batas ng California (maliban sa mga panuntunan nito sa salungatan ng mga batas) kung walang naaangkop na pederal na batas. Ang lahat ng di-pagkakasundong nauugnay sa Mga Tuntuning ito o sa mga Serbisyo ay dadalhin lang sa mga hukumang pederal o pang-estado na matatagpuan sa San Francisco, California.

15. Mga Pagbabago sa Mga Tuntuning ito

Posibleng pana-panahon naming baguhin ang Mga Tuntuning ito. Kung babaguhin namin ito, ipo-post namin ang binagong Mga Tuntunin at ia-update namin ang Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa sa itaas. Kung ang mga pagbabago, sa aming sariling pagpapasya, ay materyal, posibleng abisuhan ka rin namin sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa address na nauugnay sa iyong Account o kaya ay sa pagbibigay sa iyo ng abiso sa pamamagitan ng aming mga Serbisyo. Sa pamamagitan ng patuloy na pag-access o paggamit sa mga Serbisyo sa o pagkatapos ng Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa ng binagong Mga Tuntunin, sumasang-ayon kang mapailalim sa binagong Mga Tuntunin. Kung hindi ka sumasang-ayon sa binagong Mga Tuntunin, dapat kang huminto sa pag-access at paggamit sa aming mga Serbisyo bago magkabisa ang mga pagbabago.

16. Mga Karagdagang Tuntunin

Dahil nag-aalok kami ng iba't ibang Serbisyo, maaaring hilingin sa iyong sumang-ayon sa mga karagdagang tuntunin, patakaran, alituntunin, o panuntunan bago gamitin ang isang partikular na produkto o serbisyong iniaalok ng Reddit (sama-sama, “Mga Karagdagang Tuntunin”). Ang lahat ng Karagdagang Tuntunin ay isinasama sa pamamagitan ng pagbanggit na ito sa, at ginagawang bahagi ng, Mga Tuntuning ito, at kung sasalungat sa anumang paraan ang anumang Karagdagang Tuntunin sa Mga Tuntuning ito, ang Mga Karagdagang Tuntunin ang susundin kaugnay ng paggamit mo sa mga kaukulang Serbisyo.

17. Pagwawakas

Maaari mong wakasan ang Mga Tuntuning ito sa anumang oras at para sa anumang dahilan sa pamamagitan ng pag-delete sa iyong Account at paghinto sa paggamit ng lahat ng Serbisyo. Kung hihinto ka sa paggamit ng mga Serbisyo nang hindi dine-delete ang iyong Account, maaaring ma-deactivate ang iyong Account dahil sa matagal na kawalan ng activity.

Sa sukdulang pinapahintulutan ng naaangkop na batas, maaari naming suspindihin o wakasan ang iyong Account, status bilang moderator, o kakayahang i-access o gamitin ang mga Serbisyo sa anumang oras para sa anumang dahilan o nang walang dahilan, kabilang ang dahil sa paglabag sa Mga Tuntuning ito o sa aming Mga Panuntunan ng Reddit.

Mananatili ang mga sumusunod na seksyon pagkatapos ng anumang pagwawakas ng Mga Tuntuning ito o ng iyong Account: 5 (Iyong Content), 7 (Mga Hindi Mo Puwedeng Gawin), 12 (Pagbabayad ng Danyos), 13 (Mga Disclaimer at Limitasyon sa Pananagutan), 14 (Namamahalang Batas at Lugar), 17 (Pagwawakas), at 18 (Iba pa).

18. Iba pa

Ang Mga Tuntuning ito, kasama ang Patakaran sa Privacy at anupamang kasunduan na hayagang isinasama sa pamamagitan ng pagbanggit sa Mga Tuntuning ito, ay ang bumubuo sa buong kasunduan sa pagitan mo at namin kaugnay ng pag-access at paggamit mo ng mga Serbisyo. Ang hindi namin paggamit o pagpapatupad sa anumang karapatan o probisyon ng Mga Tuntuning ito ay hindi mangangahulugang pagsasantabi ng naturang karapatan o probisyon. Kung may anumang bahagi ng Mga Tuntuning ito na itinuturing na hindi wasto o hindi maipapatupad, iaayon dito ang bahaging hindi maipapatupad sa pinakasukdulang posible, at ganap pa ring magkakaroon ng bisa at ipapatupad ang mga natitirang bahagi. Hindi mo maaaring italaga o ilipat ang alinman sa iyong mga karapatan o obligasyon sa ilalim ng Mga Tuntuning ito nang walang pahintulot namin. Maaari naming italaga nang malaya ang alinman sa mga karapatan at obligasyon namin sa ilalim ng Mga Tuntuning ito.

Ang mga heading ay ginagamit sa Mga Tuntuning ito bilang sanggunian lang at hindi isasaalang-alang sa pagbibigay-kahulugan sa mga ito. Para sa mga layunin ng Mga Tuntuning ito: (a) ang mga salitang “kabilang,” “kasama,” at “kinabibilangan” ay ituturing na sinusundan ng mga salitang “nang walang limitasyon;” (b) ang mga salitang “gaya ng,” “halimbawa,” “hal.,” at anumang hango sa mga salitang iyon ay mangangahulugang bilang halimbawa at ang mga bagay na sumusunod sa mga salitang ito ay hindi ituturing na isang kumpletong listahan; at (c) ang salitang “o” ay ginagamit sa ingklusibong kahulugan ng “at/o” at ang mga terminong “o,” “anuman,” at “alinman” ay hindi eksklusibo. Walang bibigyang-kahulugan na malabo sa alinmang partido batay sa isang paghahabol na ang partido ang gumawa ng draft ng pananalita.

Ang Mga Tuntuning ito ay isang legal na may-bisang kasunduan sa pagitan mo at ng Reddit, Inc. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa Mga Tuntuning ito, makipag-ugnayan sa amin.

Reddit, Inc.
303 2nd Street, Suite 500S
San Francisco, CA 94107
United States


Kasunduan sa User ng Reddit kung nakatira ka sa EEA, United Kingdom, o Switzerland

Kumusta, mga redditor at tao sa Internet! Nalalapat ang Kasunduan sa User ng Reddit na ito (“Mga Tuntunin”) sa iyong pag-access sa at paggamit ng mga website, mobile app, widget, API, email, at iba pang online na produkto at serbisyo (sama-sama, ang “Mga Serbisyo”) na ibinibigay ng Reddit Netherlands B.V. (“Reddit,” “kami,” “namin,” o “amin”).

Tandaan na ang Reddit ay para sa kasiyahan at nilalayon itong maging lugar para sa entertainment mo, pero kailangan pa rin natin ng ilang pangunahing panuntunan. Para magamit ang mga Serbisyo, dapat ay tinanggap mo ang Mga Tuntuning ito, na: (a) ipinapakita sa iyo kapag gumawa ka ng Account; at (b) available sa lahat ng pagkakataon kapag ina-access mo ang mga Serbisyo. Kung hindi mo tatanggapin ang mga ito, hindi mo puwedeng i-access o gamitin ang aming mga Serbisyo.

1. Ang Iyong Access sa mga Serbisyo

Hindi pinapayagan ang sinumang wala pang 13 taong gulang na gumamit o mag-access sa mga Serbisyo. May mga bahagi sa aming mga Serbisyo na nagre-require na mas matanda ka dapat para magamit mo ang mga ito. Halimbawa, dapat ay hindi ka bababa sa 18 taong gulang para matingnan mo ang pang-mature na content sa Reddit. Pakibasa nang mabuti ang lahat ng abiso at anumang Karagdagang Tuntunin kapag ina-access mo ang mga Serbisyo.

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga Serbisyo, ipinapahayag mo na:

  • Ikaw ay 13 taong gulang pataas at lampas ka sa minimum na edad na nire-require ng mga batas ng bansa kung saan ka nakatira para ma-access at magamit ang mga Serbisyo;

  • Maaari kang bumuo ng isang may-bisang kontrata sa Reddit, o, kung ikaw ay lampas 13 taong gulang pero wala ka pa sa edad ng mayorya sa iyong hurisdiksyon, na nasuri ng iyong legal na tagapag-alaga at sumasang-ayon siya sa Mga Tuntuning ito;

  • Hindi ka pinagbabawalan sa paggamit ng mga Serbisyo sa ilalim ng lahat ng naaangkop na batas; at

  • Hindi ka permanenteng nasuspinde o naalis sa mga Serbisyo.

Kung tinatanggap mo ang Mga Tuntuning ito sa ngalan ng isa pang legal na entity, kabilang ang isang negosyo o entity ng pamahalaan, ipinapahayag mo na mayroon kang ganap na legal na awtoridad para ipailalim ang naturang entity sa Mga Tuntuning ito.

2. Privacy

Ipinapaliwanag sa Patakaran sa Privacy ng Reddit kung paano at bakit namin kinokolekta, ginagamit, at ibinabahagi ang impormasyon tungkol sa iyo kapag ina-access o ginagamit mo ang aming mga Serbisyo. Nauunawaan mo na sa pamamagitan ng paggamit mo ng mga Serbisyo, pumapayag ka sa pagkolekta at paggamit ng impormasyong ito gaya ng nakasaad sa Patakaran sa Privacy.

3. Ang Paggamit Mo ng mga Serbisyo

Alinsunod sa kumpleto at patuloy mong pagsunod sa Mga Tuntuning ito, binibigyan ka ng Reddit ng personal, hindi naililipat, hindi eksklusibo, nababawi, limitadong lisensya para: (a) mag-install at gumamit ng kopya ng aming mobile application na nauugnay sa mga Serbisyong nakukuha mula sa isang lehitimong marketplace sa isang mobile device na pagmamay-ari o kinokontrol mo; at (b) i-access at gamitin ang mga Serbisyo. Nakalaan sa amin ang lahat ng karapatang hindi hayagang ibinibigay sa iyo ng Mga Tuntuning ito.

Maliban sa at kung sa sukdulang hindi mapapahintulutan ang naturang paghihigpit sa ilalim ng naaangkop na batas, hindi ka maaaring, kung walang nakasulat na pagsang-ayon namin:

  • maglisensya, magbenta, maglipat, magtalaga, magpamahagi, mag-host, o manamantala sa komersyal na paraan ng mga Serbisyo o Content;

  • magbago, maghanda ng mga gawang hango sa, magkalas, mag-decompile, o mag-reverse engineer ng anumang bahagi ng mga Serbisyo o Content; o

  • mag-access ng mga Serbisyo o Content para bumuo ng katulad o kakumpitensyang website, produkto, o serbisyo, maliban kung pinahihintulutan sa ilalim ng anumang Karagdagang Tuntunin (gaya ng tinutukoy sa ibaba).

Hindi namin ginagarantiyahan na palaging available o hindi maaantala ang mga Serbisyo. Palagi naming pinapaganda ang aming mga Serbisyo. Ibig sabihin, maaari kaming magdagdag o mag-alis ng mga feature, produkto, o functionality; sisikapin naming maabisuhan ka nang maaga, pero hindi iyon palaging posible. Nakalaan sa amin ang karapatang baguhin, suspindihin, o ihinto ang mga Serbisyo (sa kabuuan o bahagi nito) anumang oras, nang may abiso o walang abiso sa iyo. Ang anumang release, update, o iba pang pagdaragdag sa functionality ng mga Serbisyo sa hinaharap ay mapapailalim sa Mga Tuntuning ito, na maaaring pana-panahong ma-update. Sumasang-ayon ka na hindi kami mananagot sa iyo o sa anumang third party para sa anumang pagbabago, pagsususpinde, o paghinto ng mga Serbisyo o anumang bahagi nito.

Pine-personalize namin ang karanasan mo sa mga Serbisyo batay sa iba't ibang salik, kabilang ang iyong activity sa mga Serbisyo, mga community kung saan ka naka-subscribe, at mga preference na natukoy mo sa mga setting mo. Batay sa mga ito at iba pang salik, maaaring magbigay kami ng mga rekomendasyon para gawing mas makabuluhan ang karanasan mo sa Reddit. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga inirerekomendang content sa iyo, at paglalarawan ng kung paano mo makokontrol ang ilang partikular na opsyon sa pag-personalize, tumingin sa aming Help Center.

4. Ang Iyong Reddit Account at Seguridad ng Account

Para magamit ang ilang partikular na feature ng aming mga Serbisyo, maaaring i-require sa iyong gumawa ng Reddit account (isang “Account”) at ibigay sa amin ang username, password, at ilang iba pang impormasyon tungkol sa sarili mo gaya ng nakasaad sa Patakaran sa Privacy.

Ikaw ang tanging responsable para sa impormasyong nauugnay sa iyong Account at anumang pangyayari na kaugnay ng iyong Account. Dapat mong panatilihin ang seguridad ng iyong Account at kaagad na abisuhan ang Reddit kung may matutuklasan o mapaghihinalaan kang ibang tao na nag-access sa iyong Account nang walang pahintulot mo. Inirerekomenda namin na gumamit ka ng malakas na password na ginagamit lang sa iyong Account at i-enable mo ang two-factor authentication. Kung idaragdag mo ang numero ng telepono mo sa iyong Account at sa ibang pagkakataon ay babaguhin o ide-deactivate mo ang numero ng telepono mo, tiyaking ia-update ang impormasyon ng iyong Account.

Hindi mo lilisensyahan, ibebenta, o ililipat ang iyong Account nang walang paunang nakasulat na pag-apruba namin.

5. Ang Iyong Content

Maaaring maglaman ang mga Serbisyo ng impormasyon, text, mga link, mga graphic, mga larawan, mga video, audio, mga stream, software, mga tool, o iba pang materyal (“Content”), kabilang ang Content na ginawa mo gamit ang o isinumite mo sa mga Serbisyo o sa pamamagitan ng iyong Account (“Iyong Content”). Wala kaming responsibilidad para sa at hindi namin hayagan o hindi tahasang ineendorso, sinusuportahan, o ginagarantiyahan ang pagiging kumpleto, katotohanan, katumpakan, o pagiging maaasahan ng alinman sa Iyong Content.

Sa pamamagitan ng pagsusumite ng Iyong Content sa mga Serbisyo, ipinapahayag at ginagarantiyahan mo na mayroon ka ng lahat ng karapatan, kapangyarihan, at awtoridad na kinakailangan para ibigay ang mga karapatan sa Iyong Content na nakapaloob sa Mga Tuntuning ito. Dahil ikaw lang ang responsable para sa Iyong Content, maaaring ikaw ang magkaroon ng pananagutan kung magpo-post o magbabahagi ka ng Content nang wala ang lahat ng kinakailangang karapatan.

Pinapanatili mo ang anumang karapatan sa pagmamay-ari na mayroon ka sa Iyong Content, pero binibigyan mo ang Reddit ng sumusunod na lisensya para gamitin ang Content na iyon:

Kapag ang Iyong Content ay ginawa gamit ang o isinumite sa mga Serbisyo, binibigyan mo kami ng pandaigdigan, walang royalty, panghabambuhay, hindi nababawi, hindi eksklusibo, naililipat, at sublicensable na lisensya para gamitin, kopyahin, baguhin, iakma, paghanguan ng gawa ipamahagi, i-store, isagawa, at ipakita ang Iyong Content at anumang pangalan, username, boses, o pagkakatulad na ibinigay kaugnay ng Iyong Content sa lahat ng format ng media at channel na kilala na ngayon o bubuuin sa hinaharap saanman sa mundo. Kabilang sa lisensyang ito ang karapatan na gawin naming available ang Iyong Content para sa syndication, pag-broadcast, pamamahagi, o publikasyon ng iba pang kumpanya, organisasyon, o indibidwal na nakikipagsosyo sa Reddit. Halimbawa, kabilang sa lisensyang ito ang karapatang gamitin ang Iyong Content para magsanay ng mga AI at machine learning model, gaya ng higit pang inilalarawan sa aming Patakaran sa Pampublikong Content. Sumasang-ayon ka rin na maaari naming alisin ang metadata na nauugnay sa Iyong Content, at isinusuko mo nang hindi na mababawi ang anumang paghahabol at paggigiit ng mga karapatang moral o atribusyon kaugnay ng Iyong Content.

Ang anumang ideya, mungkahi, at feedback tungkol sa Reddit o sa aming mga Serbisyo na ibinibigay mo sa amin ay ganap na boluntaryo, at sumasang-ayon ka na maaaring gamitin ng Reddit ang mga naturang ideya, mungkahi, at feedback nang walang kabayaran o obligasyon sa iyo.

Bagama't nakalaan sa amin ang karapatang suriin, i-screen, i-edit, o bantayan ang Iyong Content, hindi namin kinakailangang suriin ang lahat ng ito sa oras na isumite ito sa mga Serbisyo. Gayunpaman, sa aming sariling pagpapasya, maaari naming i-delete, ituring na hindi kwalipikado ang iyong content para sa monetization, o alisin ang Iyong Content sa anumang oras at para sa anumang dahilan, kabilang ang dahil sa paglabag sa Mga Tuntuning ito, sa aming Mga Panuntunan ng Reddit, o sa aming iba pang tuntunin at patakaran, o kung magdudulot ka o malamang na magdulot ka ng pananagutan para sa amin.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pamamaraan ng Reddit sa pag-moderate ng content, kabilang ang kung paano namin ipinapatupad ang aming Mga Panuntunan ng Reddit at kung paano iaapela ang mga desisyon sa pag-moderate ng content, bumisita sa aming Help Center.

6. Mga Third-Party na Content, Advertisement, at Promosyon

Maaaring maglaman ang mga Serbisyo ng mga link sa mga third-party na website, produkto, o serbisyo, na maaaring i-post ng mga advertiser, mga affiliate namin, mga partner namin, o iba pang user (“Third-Party na Content”). Hindi namin kontrolado ang Third-Party na Content, at hindi kami ang responsable para sa mga website, produkto, o serbisyo ng anumang third party. Ikaw ang may responsibilidad sa paggamit mo ng Third-Party na Content, at dapat mong gawin ang anumang pagsisiyasat na sa tingin mo ay kinakailangan bago magpatuloy sa anumang transaksyon na nauugnay sa naturang Third-Party na Content.

Maaari ding maglaman ang mga Serbisyo ng mga may sponsor na Third-Party na Content o advertisement. Maaaring magbago ang uri, antas, at pag-target ng mga advertisement, at kinikilala mo at sumasang-ayon ka na maaari kaming maglagay ng mga advertisement na nauugnay sa pagpapakita ng anumang Content o impormasyon sa mga Serbisyo, kabilang ang Iyong Content.

Kung pipiliin mong gamitin ang mga Serbisyo para magsagawa ng promosyon, kabilang ang isang contest o sweepstakes (“Promosyon”), ikaw lang ang may responsibilidad sa pagsasagawa ng Promosyon nang alinsunod sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon, kabilang ang paggawa ng mga opisyal na panuntunan, mga tuntunin sa alok, mga requirement sa pagiging kwalipikado, at pagsunod sa mga naaangkop na batas, panuntunan, at regulasyon na namamahala sa Promosyon (gaya ng mga lisensya, registration, bono, at pag-apruba ng regulasyon). Dapat isaad sa Promosyon mo na ang Promosyon ay hindi ini-sponsor ng, ineendorso ng, o nauugnay sa Reddit, at dapat i-require sa mga panuntunan para sa Promosyon mo sa bawat kasali o kalahok na hindi papanagutin ang Reddit para sa anumang bagay na nauugnay sa Promosyon. Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na hindi ka namin tutulungan sa anumang paraan sa Promosyon mo, at sumasang-ayon kang ikaw ang may responsibilidad sa pagsasagawa ng Promosyon mo.

7. Mga Hindi Mo Puwedeng Gawin

Kapag ginagamit o ina-access ang Reddit, dapat kang sumunod sa Mga Tuntuning ito at sa lahat ng naaangkop na batas, panuntunan, at regulasyon. Pakisuri ang Mga Panuntunan ng Reddit, na isinasama sa pamamagitan ng pagbanggit na ito sa, at ginagawang bahagi ng, Mga Tuntuning ito at naglalaman ng aming mga panuntunan tungkol sa ipinagbabawal na content at pag-uugali. Bilang karagdagan sa kung ano ang ipinagbabawal sa Mga Panuntunan ng Reddit, hindi mo maaaring gawin ang alinman sa mga sumusunod:

  • Gamitin ang mga Serbisyo sa anumang paraan na maaaring makaabala, maka-disable, makaantala, magpahirap, o makaapekto sa anupamang paraan sa mga Serbisyo;

  • Magkaroon ng access sa (o subukang makakuha ng access sa) Account ng ibang user o anumang hindi pampublikong bahagi ng mga Serbisyo, kabilang ang mga computer system o network na nauugnay sa o ginagamit kasama ng mga Serbisyo;

  • Mag-upload, mag-transmit, o magpamahagi sa o sa pamamagitan ng mga Serbisyo ng anumang virus, worm, nakakapinsalang code, o iba pang software na may layuning makagulo sa mga Serbisyo, kabilang ang mga feature nitong nauugnay sa seguridad;

  • Gamitin ang mga Serbisyo para lumabag sa naaangkop na batas o lumabag sa mga karapatan sa intellectual property ng sinumang tao o entity o anupamang karapatan sa pagmamay-ari;

  • Mag-access, maghanap, o mangolekta ng data mula sa mga Serbisyo sa anumang paraan (awtomatiko o hindi) maliban kung pinapahintulutan sa Mga Tuntuning ito o sa isang hiwalay na kasunduan sa Reddit (nagbibigay kami ng pahintulot na i-crawl ang mga Serbisyo subalit may kundisyon alinsunod sa mga parameter na nakasaad sa aming robots.txt file, pero ipinagbabawal ang pag-scrape sa mga Serbisyo nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Reddit); o

  • Gamitin ang Mga Serbisyo sa anumang paraan na makatwiran naming pinapaniwalaan na isang pang-aabuso o panloloko sa Reddit o anumang sistema ng pagbabayad.

Hinihikayat ka naming i-report ang content o pag-uugaling sa tingin mo ay lumalabag sa Mga Tuntuning ito o sa aming Mga Panuntunan ng Reddit. Sinusuportahan din namin ang responsableng pag-report ng mga kahinaan sa seguridad. Para mag-report ng isyu sa seguridad, mag-email sa [email protected].

8. Mga Moderator

Ang pag-moderate ng subreddit ay isang hindi opisyal, boluntaryong posisyon na maaaring available sa mga user ng mga Serbisyo. Hindi kami ang responsable para sa mga aksyon na ginagawa ng mga moderator. Nakalaan sa amin ang karapatang bawiin o limitahan ang kakayahan ng isang user na mag-moderate anumang oras at para sa anumang dahilan o nang walang dahilan, kabilang ang dahil sa paglabag sa Mga Tuntuning ito.

Kung pipiliin mong mag-moderate ng subreddit:

  • Sumasang-ayon kang sundin ang Code of Conduct ng Moderator;

  • Sumasang-ayon ka na kapag nakatanggap ka ng mga report na nauugnay sa isang subreddit na mino-moderate mo, magsasagawa ka ng naaangkop na aksyon, na maaaring kabilangan ng pag-aalis ng content na lumalabag sa patakaran at/o agarang pag-escalate nito sa Reddit para sa pagsusuri;

  • Hindi mo ipapahayag, at hindi mo maaaring ipahayag na ikaw ay, awtorisadong kumilos sa ngalan ng Reddit;

  • Hindi ka maaaring pumasok sa anumang kasunduan sa isang third party sa ngalan ng Reddit, o sinumang subreddit na mino-moderate mo, nang wala ang aming nakasulat na pag-apruba;

  • Hindi ka maaaring magsagawa ng mga aksyon sa pag-moderate kapalit ng anumang anyo ng kabayaran, konsiderasyon, regalo, o pabor mula sa mga third party;

  • Kung may access ka sa hindi pampublikong impormasyon bilang resulta ng pag-moderate ng subreddit, gagamitin mo lang ang naturang impormasyon kaugnay ng pagganap mo bilang moderator; at

  • Maaari kang gumawa at magpatupad ng mga panuntunan para sa mga subreddit na mino-moderate mo, sa kundisyon na ang mga naturang panuntunan ay hindi sumasalungat sa Mga Tuntuning ito, sa Mga Panuntunan ng Reddit, o sa Code of Conduct ng Moderator.

Nakalaan sa Reddit ang karapatan, pero wala itong obligasyon, na bawiin ang anumang aksyon o desisyon ng isang moderator kung naniniwala ang Reddit, sa sarili nitong pagpapasya, na ang naturang aksyon o desisyon ay hindi para sa interes ng Reddit o ng community ng Reddit.

9. Copyright, Trademark, ang DMCA, at mga Takedown

Iginagalang ng Reddit ang intellectual property ng iba at nire-require namin na gawin din ito ng mga user ng aming mga Serbisyo. Mayroon kaming patakaran na kinabibilangan ng pag-aalis ng anumang lumalabag na materyal sa mga Serbisyo at para sa pagwawakas, sa mga naaangkop na sitwasyon, ng mga user ng aming mga Serbisyo na paulit-ulit na lumalabag. Kung naniniwala ka na may anumang bagay sa aming mga Serbisyo na lumalabag sa isang copyright o trademark na pagmamay-ari o kinokontrol mo, maaari mong abisuhan ang Itinalagang Ahente ng Reddit sa pamamagitan ng pagsagot sa aming Form ng Report sa Copyright o Form ng Report sa Trademark, o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa:

Copyright Agent
Reddit, Inc.
303 2nd Street, Suite 500S
San Francisco, CA 94107
[email protected]


Tingnan ang 17 U.S.C. § 512(c)(3) para sa mga requirement ng wastong pag-abiso. Gayundin, pakitandaan na kung sadya mong isasaad na lumalabag ang anumang activity o materyal sa aming mga Serbisyo kahit na hindi ito totoo, posibleng managot ka sa Reddit para sa ilang partikular na gastos at danyos.

Kung aalisin namin ang Iyong Content bilang tugon sa isang abiso sa copyright o trademark, aabisuhan ka namin. Kung naniniwala kang hindi tamang inalis ang Iyong Content dahil sa isang pagkakamali o maling pagkakakilanlan sa isang abiso sa copyright, maaari kang magpadala ng counter notification sa pamamagitan ng aming Form ng Counter Notice ng Copyright o sa aming Copyright Agent (ibinibigay sa itaas ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan). Pakitingnan ang 17 U.S.C. § 512(g)(3) para sa mga requirement ng wastong counter notification.

10. Mga May Bayad na Serbisyo

Walang bayad para sa paggamit ng maraming aspekto ng mga Serbisyo. Gayunpaman, maaaring mabili ang ilang serbisyo, feature, at produkto (“Mga May Bayad na Serbisyo”). Dagdag pa sa Mga Tuntuning ito, nalalapat din ang Mga Tuntunin sa Econ ng Reddit sa mga May Bayad na Serbisyo. Sa pamamagitan ng pagbili o paggamit ng mga May Bayad na Serbisyo, sumasang-ayon ka rin sa Mga Tuntunin sa Econ at, kung naaangkop, sa Mga Tuntunin sa mga Preview.

11. Intellectual Property

Ang mga Serbisyo ay pagmamay-ari at pinapatakbo ng Reddit. Ang mga visual na interface, graphics, disenyo, compilation, impormasyon, data, computer code, mga produkto, mga serbisyo, mga trademark, at lahat ng iba pang elemento ng mga Serbisyo (“Mga Materyal”) na ibinibigay ng Reddit ay pinoprotektahan ng intellectual property at iba pang batas. Pagmamay-ari ng Reddit o mga third-party na licensor nito ang lahat ng Materyal na kabilang sa mga Serbisyo. Kinikilala mo at sumasang-ayon kang hindi ka kukuha ng anumang karapatan sa pagmamay-ari sa pamamagitan ng pag-download ng mga Materyal o pagbili ng mga May Bayad na Serbisyo. Maliban kung hayagang pinahihintulutan ng Reddit, at napapailalim sa Mga Alituntunin sa Brand ng Reddit, hindi mo maaaring gamitin ang mga Materyal. Nakalaan sa Reddit ang lahat ng karapatan sa mga Materyal na hindi hayagang nakasaad sa Mga Tuntuning ito.

12. Pagbabayad ng Danyos

Maliban kung ipinagbabawal ng batas, sumasang-ayon kang ipagtanggol, bayaran ng danyos, at hindi papanagutin ang Reddit, mga affiliate nito, at mga kaukulan nilang direktor, opisyal, empleyado, affiliate, ahente, kontratista, third-party na service provider, at licensor (ang “Mga Entity ng Reddit”) mula sa at laban sa anumang paghahabol o demanda na ginawa ng anumang third party, at anumang nauugnay na pananagutan, pinsala, pagkalugi, at gastusin (kabilang ang mga gastos at bayad sa mga abugado) dahil sa, na nagmumula sa, o nauugnay sa: (a) paggamit mo ng mga Serbisyo; (b) paglabag mo sa Mga Tuntuning ito; (c) paglabag mo sa mga naaangkop na batas o regulasyon; o (d) Iyong Content. Nakalaan sa amin ang karapatang kontrolin ang pagtatanggol sa anumang usapin kung saan nire-require sa iyong pagbayarin kami ng danyos, at sumasang-ayon kang makipagtulungan sa aming pagtatanggol sa mga paghahabol na ito.

13. Limitasyon sa Pananagutan

Sa pamamagitan ng paggamit sa mga Serbisyo, sumasang-ayon kang limitado ang pananagutan ng mga Entity ng Reddit sa kung ano ang pinahihintulutan sa bansa kung saan ka nakatira. Limitado lang ang pananagutan sa mga inaasahang pinsala na dahil sa paglabag sa mga materyal na obligasyon sa kontrata na karaniwan para sa ganitong uri ng kontrata. Hindi mananagot ang Reddit para sa mga pinsalang resulta ng hindi materyal na paglabag sa anupamang naaangkop na tungkulin ng pangangalaga. Ang limitasyon sa pananagutan na ito ay hindi malalapat sa anumang pananagutang ayon sa batas na hindi maaaring limitahan, sa pananagutan para sa pagkamatay o personal na pinsala na dulot ng aming kapabayaan o sadyang maling pag-uugali, o kung at para ibukod ang aming responsibilidad para sa isang bagay na partikular na ipinangako namin sa iyo.

14. Mga Pagbabago sa Mga Tuntuning ito

Posibleng pana-panahon naming baguhin ang Mga Tuntuning ito. Kung babaguhin namin ito, ipo-post namin ang binagong Mga Tuntunin at ia-update namin ang Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa sa itaas. Kung materyal ang mga pagbabago, sa aming sariling makatwirang pagpapasya, aabisuhan ka namin sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa address na nauugnay sa iyong Account o sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng abiso gamit ang aming mga Serbisyo sa loob ng hindi bababa sa 30 araw bago ang petsa na magkakabisa ang mga ito. Sa pamamagitan ng patuloy na pag-access o paggamit sa mga Serbisyo sa o pagkatapos ng Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa ng binagong Mga Tuntunin, sumasang-ayon kang mapailalim sa binagong Mga Tuntunin. Kung hindi ka sumasang-ayon sa binagong Mga Tuntunin, dapat kang huminto sa pag-access at paggamit sa aming mga Serbisyo bago magkabisa ang mga pagbabago.

15. Mga Karagdagang Tuntunin

Dahil nag-aalok kami ng iba't ibang Serbisyo, maaaring hilingin sa iyong sumang-ayon sa mga karagdagang tuntunin, patakaran, alituntunin, o panuntunan bago gamitin ang isang partikular na produkto o serbisyong iniaalok ng Reddit (sama-sama, “Mga Karagdagang Tuntunin”). Ang lahat ng Karagdagang Tuntunin ay isinasama sa pamamagitan ng pagbanggit na ito sa, at ginagawang bahagi ng, Mga Tuntuning ito, at kung sasalungat sa anumang paraan ang anumang Karagdagang Tuntunin sa Mga Tuntuning ito, ang Mga Karagdagang Tuntunin ang susundin kaugnay ng paggamit mo sa mga kaukulang Serbisyo.

16. Pagwawakas

Maaari mong wakasan ang Mga Tuntuning ito sa anumang oras at para sa anumang dahilan sa pamamagitan ng pag-delete sa iyong Account at paghinto sa paggamit ng lahat ng Serbisyo. Kung hihinto ka sa paggamit ng mga Serbisyo nang hindi dine-delete ang iyong Account, maaaring ma-deactivate ang iyong Account dahil sa matagal na kawalan ng activity.

Sa sukdulang pinapahintulutan ng naaangkop na batas, maaari naming suspindihin o wakasan ang iyong Account, status bilang moderator, o kakayahang i-access o gamitin ang mga Serbisyo sa anumang oras para sa anumang dahilan o nang walang dahilan, kabilang ang dahil sa paglabag sa Mga Tuntuning ito o sa aming Mga Panuntunan ng Reddit.

Mananatili ang mga sumusunod na seksyon pagkatapos ng anumang pagwawakas ng Mga Tuntuning ito o ng iyong Account: 5 (Iyong Content), 7 (Mga Hindi Mo Puwedeng Gawin), 12 (Pagbabayad ng Danyos), 13 (Limitasyon sa Pananagutan), 16 (Pagwawakas), at 17 (Iba pa).

17. Iba pa

Ang Mga Tuntuning ito, kasama ang Patakaran sa Privacy at anupamang kasunduan na hayagang isinasama sa pamamagitan ng pagbanggit sa Mga Tuntuning ito, ay ang bumubuo sa buong kasunduan sa pagitan mo at namin kaugnay ng pag-access at paggamit mo ng mga Serbisyo. Ang hindi namin paggamit o pagpapatupad sa anumang karapatan o probisyon ng Mga Tuntuning ito ay hindi mangangahulugang pagsasantabi ng naturang karapatan o probisyon. Kung may anumang bahagi ng Mga Tuntuning ito na itinuturing na hindi wasto o hindi maipapatupad, iaayon dito ang bahaging hindi maipapatupad sa pinakasukdulang posible, at ganap pa ring magkakaroon ng bisa at ipapatupad ang mga natitirang bahagi. Hindi mo maaaring italaga o ilipat ang anumang karapatan o obligasyon sa ilalim ng Mga Tuntuning ito nang wala ang paunang nakasulat na pahintulot ng Reddit. Maaaring italaga ng Reddit, nang walang paghihigpit, ang alinman sa aming mga karapatan at obligasyon sa ilalim ng Mga Tuntuning ito, sa sarili nitong pagpapasya, na may 30 araw na paunang abiso. Hindi naaapektuhan ang karapatan mong wakasan ang Mga Tuntuning ito anumang oras alinsunod sa Seksyon 16.

Ang mga heading ay ginagamit sa Mga Tuntuning ito bilang sanggunian lang at hindi isasaalang-alang sa pagbibigay-kahulugan sa mga ito. Para sa mga layunin ng Mga Tuntuning ito: (a) ang mga salitang “kabilang,” “kasama,” at “kinabibilangan” ay ituturing na sinusundan ng mga salitang “nang walang limitasyon;” (b) ang mga salitang “gaya ng,” “halimbawa,” “hal.,” at anumang hango sa mga salitang iyon ay mangangahulugang bilang halimbawa at ang mga bagay na sumusunod sa mga salitang ito ay hindi ituturing na isang kumpletong listahan; at (c) ang salitang “o” ay ginagamit sa ingklusibong kahulugan ng “at/o” at ang mga terminong “o,” “anuman,” at “alinman” ay hindi eksklusibo. Walang bibigyang-kahulugan na malabo sa alinmang partido batay sa isang paghahabol na ang partido ang gumawa ng draft ng pananalita.

Ang Mga Tuntuning ito ay isang legal na may-bisang kasunduan sa pagitan mo at ng Reddit Netherlands B.V. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa Mga Tuntuning ito, makipag-ugnayan sa amin.

 

Reddit Netherlands B.V.
Euro Business Center
Keizersgracht 62, 1015CS Amsterdam
Netherlands

OSZAR »